Deadly: Open Burning of Garbage

Alam mo bang nakamamatay ang pagsusunog mo ng basura?

Mahigit limang taon na ang nakararaan, libo-libong tao ang namatay nang matabunan ng gumuhong bundok-bundok na basura sa Payatas.  Lahat ay nagulat, lahat ay nalungkot sa isa sa pinakamalaking trahedyang naganap noon sa ating bansa.

Ang trahedyang ito sa Payatas ay isang kongkretong patunay ng panganib na dulot ng basura, lalo na kung hindi tama ang pangangasiwa natin dito.  At ang matindi, ang nakasanayan nating pagsusunog ng basura ay nakamamatay din pala!

Alam mo ba na sa pagsusunog mo ng basura ay gumagawa ka na rin ng lason? Ang lasong ito ay sa pormang kemikal na napupunta sa ating hangin, at nagiging ulan na nagpaparumi ng ating katubigan, ng mga halaman, ng lupa, na napupunta rin sa taba ng iba’t-ibang hayop at mga isda.

At natural, kung ang mga hayop at isdang nalason ay ating makakain, siguradong sakit din ang makukuha natin.

Sakit sa balat, mga depekto sa panganganak, autism, kanser, pagbabago sa hitsura, abnormal na hormone, madalas na pagkapagod, mabagal na pagkatuto, sakit sa puso, sa utak, sa baga, sakit sa bato, at sa sistema ng katawan, maging ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na sanggol, lahat ng ito ay maaaring idulot ng pag-susunog basura.

Sa dami ng masamang epekto ng pagsusunog ng basura sa kalikasan at sa ating mga mamamayan ay ipinagbawal na ito, sa ilalim ng Republic Act 9003, o ng Ecological Solid Waste Management Act. Ipinagbawal na pero napakarami pa rin ang nagsusunog ng basura. Kaya naman di kataka-takang marami sa atin, lalo na sa mga bata, ang may sakit na asthma.

Ngayon, magsusunog ka pa ba ng basura?  Naririto ang ilan sa mga maaari mong gawin sa iyong basura, na makabubuti hindi lamang sa iyong pamilya at mga kapitbahay, kundi maging sa kapaligiran:

Mag-kompost.  Ang mga nabubulok na basura tulad ng mga tirang pagkain, mga dahon at damo, dumi, pati mga buto ng mga halaman at hayop ay hindi dapat sinusunog.  Maaari itong i-kompost!  Kailangan lamang ay ibaon ang mga ito sa hukay (compost pit) at tabunan ng lupa upang di langawin at dagain. Pwede ka ring gumamit ng mga compost bins, o mga lumang gulong, dram, sako, o balde, o kaya naman ay sa paso at mga plastic bag.  Sa pagkokompost, lilinis na ang paligid, mayroon ka pang pataba sa lupa.

Matutong Mag-recycle! Makababawas din sa basura ang pagreresiklo ng mga gamit.  Ang mga plastik, na lubhang nakalalason pag sinunog, ay pwedeng gamitin sa pag-kompost, o kaya naman ay gawing sisidlan.  Ang iba pang mga gamit na pwedeng i-recyle ay ang mga bakal, bote, goma, pati na mga tuyong papel at karton.

Basura Mo, Ibenta Mo! Bukod sa bote at dyaryo, pwede mo ring ipagbili ang iba pang basura tulad ng mga tetrapak (lalagyan ng juice), mga bubog, mga bahagi ng computer, at ibang uri ng mga plastik. Ang mga basurang ito ay binibili upang iresiklo, o di kaya’y gawing palamuti sa bahay, mga bag, at mga tsinelas.  Biruin mo, hindi ka na magsusunog ng basura, kikita ka pa!

Bantay Sunog-Basura. Ngayong alam mo nang bawal ang magsunog ng basura dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan nating lahat, magbantay ka na rin ng mga iba pang nagsusunog ng basura, lalo na ang mga kalapit-bahay, na direktang makaaapekto sa kalusugan mo at ng iyong pamilya pag nagsunog ng basura.  Ang kalusugan ng ating mga pamilya ay nakasalalay sa pagbabantay natin ng mga naninira sa kapaligiran.  Sa katunayan, pwede pa nating ihabla ang mga makikita nating nagsusunog ng basura.  Ganito kaseryoso ang gawaing ito!

Ikalat ang Impormasyon.  Isa sa maaaring gawin ng bawat isa ay ang pagkakalat,  hindi ng basura, kundi ng impormasyong bawal ang pagsusunog ng basura, pati na ang ilan pang mga bagay tungkol sa mga dapat gawin para sa tamang pangangasiwa ng mga ating mga basura.  Ikuwento sa lahat ng kapamilya, kapuso, kabarkada, kaopisina, kapitbahay, at kung kani-kanino pa ang mga dapat at hindi dapat gawin sa ating mga basura.

Ang listahan ng mga bumibili ng basura, pati na ang iba pang impormasyon sa tamang pangangasiwa dito, ay maaaring makuha sa opisina ng National Solid Waste Management Commission Secretariat sa Environmental Management Bureau, Ikalawang Palapag ng HRD Bldg., DENR Compound, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City. Maaari din silang tawagan sa (632) 920-2252, 920-2279, 925-4796 / 925-4797 lokal 3).

Sharing is caring!
RSS
Follow by Email
Facebook
Twitter
Pinterest
Instagram
7 Comments
  1. gp 11 years ago
    Reply

    thanks.

    pls forward if you want 🙂

  2. lhynn 11 years ago
    Reply

    nice work!

  3. gp 11 years ago
    Reply

    Miss Nik, their direct line is 9202252. You may call them, at your convenience. Their office is also at the 2nd floor of the HRD Building, DENR Compound, Visayas Ave. Qc. It’s very near the Elliptical Road or “Circle” — and is right beside Channel 4. 🙂

  4. Niknik Matinik 11 years ago
    Reply

    I appreciate your suggestions very much. If ever, it will be a positive way of dealing with the problem…But, I am yet to get in touch with the Commission because their website (including the main DENR website) seem to be having some technical problems. Anyway, thanks. I am sure it will be a great help in the future to apply your suggestions. More power to Green Phils.

  5. gp 11 years ago
    Reply

    Hi, miss Niknik. You may send a mail to the National Solid Waste Management Commission – Secretariat, or call them, or visit them, regarding your concern. I would also suggest you take some pictures so the secretariat would have a clearer idea of the situation you are in. Ask them also, if they can send a representative to conduct a “Solid Waste Management for Schools” orientation/lecture so the school administrators would be more knowledgeable on what to do with garbage — like segregate and sell them to junkshops, instead of burning them all. Atleast, it would be positive reinforcement on their part, change for the better, rather than reprimanding them for whatever wrong they are doing. Hope this helps. 🙂

  6. Niknik Matinik 11 years ago
    Reply

    Also, regarding our neighbor who has a school…because of their regular dumping on the next lot, the place now appears like a mini dumpsite. Garbage spread specially when its rainy season. I will appreciate your advice very much.

  7. Niknik Matinik 11 years ago
    Reply

    What can I do with a neighbor who has school and who regularly dumps if not burn garbage on a lot immediately next to our lot. The owner of the school, unfortunately is a Kagawad in our barangay which for a long time used to be a subdivision. This has been bothering me for months now…There was a time when my sister-in-law, her baby, and her two kids suffered from almost endless coughing because of the burning of garbage of our neighbor. As much as possible, we do not want any trouble with our neighbor but I think what they are doing is too much to tolerate. Help please!

Leave a Comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You may like

Back to top